Ginisang Ampalaya at Sardinas - Day 5 | Panlasang Pinoy

Ginisang Ampalaya at Sardinas - Day 5

Knorr Lutong Nanay 21 Day Challenge

Ang malnutrisyon ang dahilan ng hindi wastong
paghubog ng pangangatawan at isipan ng mga
kabataan. Ang kinabukasan ng sumusunod na
henerasyon, pati na rin ang ating mga anak, ay
nakasalalay sa paglutas nitong maselang problema
ng kalusugan.

Sa dahilang ito, ikinagagalak ng Knorr, sa pamamagitan
ng Knorr Lutong Nanay School of Recipes, ang
pag-lunsad nitong Lutong Nanay 21 Day Challenge video series. Ito ang gabay sa mga Nanay para labanan ang malnutrisyon
sa pamamagitan ng paghanda ng MASARAP,
MASUSTANSYA, at MURA na mga pagkain.

Sangkap:

1 pc sibuyas, chopped
1 clove bawang, chopped
1 pc ampalaya, hiniwang
manipis
1 can sardinas
1 pc chicken cube
1/2 cup tubig


Pamamaraan:

1. Igisa ang sibuyas at bawang hanggang lumambot.
Idagdag ang ampalaya at pakuluan hanggang
half-cooked.
2. Idagdag ang sardinas, chicken cube at tubig.
Pukuluan hanggang maluto ang ampalaya

#panlasangpinoy #healthyrecipes #lutongnanay
Share this Post:

Related Posts: